59
3M seniors iprayoridad sa COVID testing
Mar 23, 2020 @ 18:07
By

Lumayo ka! Bawal ang sobra Social distancing, panic-buying hinigpitan pa

Patuloy pa rin s a pagpapatupad sa social distancing’ ophysical distancing’ ang ilang malalaking groceries sa Metro Manila para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus.

Bagama’t dumagsa ang mga kostumer kahapon sa SM Novaliches supermarket ay pinatupad pa rin ng pamilihan ang 1-metrong distansya kesehodang humaba ang pila sa entrada. Ito ay bilang proteksyon na rin sa dinaranas ngayong Covid crisis.

Maging ang mga mamimiling may balak sa pakyawan ay mahigpit nilang binabantayan.

Pang-isang linggo lang na pangunahing pangangailangan ang puwedeng bilhin. Limitado rin at may bilang kung ilang lata lang ng gatas, sardinas o bote ng alcohol ang puwedeng i-shopping para patas at lahat ay makakain.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?