124

Aug 4, 2021 @ 11:20
By

Lumapit kay Sara! Gatchalian balak tumakbo sa HNP

Sa kanyang biglaang anunsyo ng planong pagtakbo bilang bise presidente sa 2022, kinumpirma ni Senador Sherwin Gatchalian na kinausap niya si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio tungkol sa posibilidad na tumakbo sa ilalim ng partido ng alkalde.

Ang partido ni Duterte-Carpio ay ang Hugpong ng Pagbabago (HNP)

“I talked to Mayor Sara a few months back,” kwento ni Gatchalian sa panayam ng ANC.

Ayon sa senador, una siyang inimbita ng HNP bilang parte ng kanilang senatorial slate.

Ngunit sa gitna ng kanilang paguusap ay inilahad niya ang planong pagtakbo sa pagkapangalawang pangulo – sa ilalim ng HNP.

Ang posibilidad ng pagtakbo ni Gatchalian sa ibang partido ay hindi malayo sapagkat nasa ilalim din siya ng Nationalist People’s Coalition – ang partido ni Senador Tito Sotto.

Si Sotto ang naunang magdeklara ng kandidatura bilang bise presidente sa 2022.

Samantala, si Duterte-Carpio naman ay matunog ang pangalan bilang presidential candidate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?