147
beermen
Dec 9, 2017 @ 21:35
By

Lumang mukha ibabandera ng Beermen

Wala munang sariwang muha, kundi datihan lahat ang ibabanda ng San Miguel Beer kapag hinubaran ang kampanya sa makasaysayang four-peat championship ng PBA Philippine Cup simula sa darating na Linggo, Dec. 17 sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Buena-manong mapapasabak ang SMB sa Phoenix Petroleum sa alas-6:45 ng gabi makaraan ang alas-4:00 ng hapong pambungad na seremonya.

Sa second conference (Commissioner’s Cup) pa malamang makakasabak para sa Beermen ang kanilang kontrobersyal top pick na si Christian Standhardinger na nakakontrata pa sa ASEAN Basketball League sa Hong Kong Eastern team.

Dalawang sultada ang papagitna sa Miyerkoles, Dec. 20 sa ihahayag pang lugar ni Commissioner Chito Narvasa. Toka sa alas-4:15 ng hapon ang Kia-NLEX, at sa alas-7:00 ng gabi ang Magnolia (dating Star)-Alaska.

Sa Biyernes, Dec. 22 sa Cuneta Astrodome sa Pasay City naman ang mga sabong ng Blackwater Elite-Meralco (4:15) at Rain or Shine-TNT KaTropa (7:00); sa Pasko, Dec. 25 (Lunes) ang mga balugbugang NLEX-GlobalPort (3:00) at Ginebra-Hotshots (5:15) sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Dec. 27 (Miyerkoles) sa Ynares Center sa Antipolo City magbabanatan ang Picanto-Fuel Masters (4:15) at Bolts-Beermen (7:00), at makukumpleto ang unang linggong iskedyul sa bugbugang Elite-Elasto Painters (4:15) at Aces-Texters (7:00).(Ramil Cruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?