287

Apr 11, 2019 @ 16:22
By

Lumang gusali sa Binondo, nag-collapse

Gumuho ang bahagi ng isang lumang residential building sa Binondo, Manila, Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa Barangay 288 dakong alas-8:00 ng gabi.

Wala namang naiulat na nasaktan o namatay sa mahigit 20 pamilya na nakatira sa nasabing gusali dahil maayos silang nailikas.

Iniimbestigahan na ang sanhi ng pagguho pero kinokonsidera rin ang katandaan na ng gusali kaya nag-collapse.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: