317

Jun 9, 2018 @ 22:07
By

Lumalakas ang panawagan Mocha dapat nang palayasin sa puwesto

Tinuldukan na ni Kris Aquino ang word war nila ni Asec Mocha Uson. Tamang desisyon, sabi ng mga tagasuporta ng aktres-TV host, dahil kumbaga sa boxing ay mismatched sila ng kanyang kalaban.

Huli man ay mas pinairal ni Kris ang madalas niyang sabihin na silence is the best reply to a fool. Kauna-unawa kung pumatol man siya kay Aling Mocha dahil hindi naman ang kanyang sarili ang ipinagtatanggol niya kundi ang kasaysayan ng kanyang mga magulang na kinaladkad ng dating nagpapaseksing singer-dancer.

Para kay Kris Aquino ay sapat nang nag-sorry sa kanya si Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanang kamay nitong si Bong Go. Kapag ang nasa pinakaituktok na nga naman ng tatsulok ng kapangyarihan ang nanghingi na ng paumanhin ay bakit pa natin nanai­sing marinig ang pagpapakumbaba ng isang alipores lang?

Sigaw ng mga tagasuporta ni Kris ay kailangan nang walisin sa kanyang posisyon si Aling Mocha. Naturingang linya pa naman ng komunikasyon ang opisinang pinagseserbisyuhan nito pero puro away lang naman ang kanyang inaatupag.

Komento ni Ching Bautista Silverio, “I don’t know why she’s still in office. She has not contributed anything to our county and to the Filipino people except her being vindictive.

“How low can she go? The Aquinos have not done any wrongdoing to her personally, so why is she full of hatred and anger? She’s such a kiss ass! Kris Aquino is one of our biggest taxpayers, and part of her tax goes to the sa­lary of Mocha Uson who is irrelevant to the government,” madiing pahayag ng balikbayan naming kausap. (Cristy S. Fermin)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?