119

Mar 5, 2019 @ 11:09
By

Luke Perry pumanaw na sa edad na 52

Namayapa na si Luke Perry, aktor na bumida sa Fox drama na “Beverly Hills, 90210,” at sa CW series na “Riverdale”, noong Lunes sa Los Angeles.

Inanunsiyo ng pamilya ni Perry ang kaniyang pagkamatay matapos umanong ma-ospital dahil sa stroke noong Miyerkoles.

Gumanap si Perry bilang Dylan McKay, isang bad-boy teenager na may problema sa alcoholism sa “Beverly Hills, 90210”.

“Luke Perry and Jason Priestley, the actors who play Dylan and Brandon, are today’s favorite TV heartthrobs, their kissable photographs, clean-cut family backgrounds and list of wholesome hobbies flooding magazines for teenagers.” saad ni Caryn James sa The New York Times noong 1991.

Pumanaw si Perry sa edad na 52.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?