11

Aug 20, 2020 @ 16:43

Luka: Kaya namin pabagsakin si Kawhi, Clippers!

RP

May mensahe si Luka Doncic para sa mga nagsasabing wala silang pag-asa kontra koponan ni Kawhi Leonard na Los Angeles Clippers.

Sa post-game interview kay Luca matapos gibain ang Clippers, 127-114, natanong sa Slovenian superstar kung anong tingin nito sa sinabi ng NBA on TNT host na wala silang tsansa kontra kina Leonard at Paul George.

Sey ni Doncic, dapat magbago na ang tingin ng mga tao sa Dallas Mavericks nang matabla ang serye, 1-all.

“They should be saying, we got a chance you know in this first round. A lot of people counted us out. I know a lot of people didn’t count us in. But I know they should be saying we got a chance,” saad ni Luka.

Sa naturng laro, kumamada ng 28 points, walong rebounds at pitong assists si Doncic sa loob lamang ng 28 minuto.

Gumawa rin ito ng kasaysayan bilang pinakamaraming puntos sa unang dalawang playoff game, nilampasan ng kanyang 70 points ang 69 markers na ginawa ng Lakers legend na si Kareem Abdul-Jabbar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?