101

Dec 5, 2017 @ 11:23
By

Luis walang atrasan sa bashers ni Jessy

RAMDAM na ramdam lalo na ng followers ni Luis Manzano kung gaano raw nito kamahal ang girlfriend na si Jessy Mendiola. Aba, hindi lang boyfriend ang nakuha ni Jessy kay Luis, nagkaroon din siya ng instant defender o tagapagtanggol sa bashers niya.

Madalas na talagang sinasagot ni Luis kapag may nangba-bash sa girlfriend. At dahil ever since naman ay masipag sa social media ang actor/TV host, so kahit mga sweet moments nila, naipo-post din nito.

Kung may bashers sila, marami rin naman ang kinikilig sa kanila. Tulad na lang kahapon, birthday ni Jessy at hindi pinalampas ni Luis na hindi batiin ang girlfriend sa kanyang social media account.

Sweet-sweetan ito sa pagbati sa girlfriend na ang term of endearment ay howhow.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?