77

Aug 25, 2018 @ 13:51
By

‘Luis’ nakalabas na ng PAR pero habagat magpapaulan pa sa Luzon

Palalakasin pa rin ng southwest monsoon o hanging habagat ang bagyong “Luis” sa kabila na nakalabas na ito ng Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ngayong Sabado, lumabas ng PAR noong Biyernes ng gabi ang bagyo.

Huli itong namataan sa layong 595 kilometro ng north-northwest ng extreme northern Luzon, alas-tres ng madaling-araw nitong Sabado.

Gumagalaw ito pa-north-northeast sa bilis na 8 kilometro kada oras at may lakas ng hangin na 45 kph at pagbugsong 70 kph.

Sa kabila ng paglabas ni “Luis”, palalakasin pa rin umano nito ang habagat at magdadala ng pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes, Babuyan Group of Islands, Zambales at Bataan provinces.

Samantala, makakaranas naman ng maulap na kalangitan na may tsansa ng ulan

ang Metro Manila, iba pang bahagi ng Central Luzon, Cagayan Valley Region, Calabarzon.

Kalat-kalat na pag-ulan naman at thunderstorms ang mararamdaman sa Mindoro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?