103

Dec 22, 2017 @ 15:48

Luis nagpaparinig na ng kasal kay Jessy

Inamin ni Jessy Mendiola na lagi siyang pinariringgan ng nobyong si Luis Manzano hinggil sa paglagay sa tahimik at aminado umanong handa nang magpakasal ang huli.

“Everyday pinapa-obvious niya sa akin na ready na ako. I think that’s one way of showing his love for me na he’s patiently waiting,” ani Jessy sa TV Patrol.

Hindi rin daw niya kailangang mamili sa pagitan ng kanyang career o pag-ibig lalo’t ang BF umano niya ang kinakapitan niyang lakas para ipagpatuloy ang pangarap niya sa career.

“There are things in life na hindi mo mapagpapalit sa career di ba? I can whip it up again and I’m taking my time. I’m really thankful for the strengths and the love that my family, my friends, si Luis na binibigay sa akin. That itself is a blessing for me,” dagdag pa ni Jessy.

Kamakailan lang ay binisita umano si Jessy ng kanyang British-Lebanese na ama sa Pilipinas para sa kanyang 25th birthday kung saan naka-bonding nito si Luis na panay daw ang biruan dahil parehong joker ang dalawa.

“Yung dad ko sobrang joker rin. Pagkanagkikita silang dalawa, wala na silang ginawa kundi mag-joke,” kuwento pa ni Jessy.

Binibiro na rin umano siya ng ama na mag-asawa na dahil sa tradisyon ng Lebanese na sa edad 25 ay dapat na itong ikasal.

“Niloloko na nga nila ako. My dad kasi he’s a believer of… siya kasi parang ‘O, you’re turning 25, do you know the Lebanese way? They get married at 25.’ So bigla akong nagulat sabi ko wait no. I have so much to do,” pag-amin pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?