947

Nov 4, 2017 @ 13:47

Luis Manzano natuwa nang hulihin ng MMDA

SA halip na magalit, na karaniwang reaksiyon ng mga motorista, kapag sinisita, hinuhuli sila ng mga kawani ng MMDA, natuwa pa si Luis Manzano, sa ginawa sa kanila ng driver niya ng naturang taga-MMDA.

“Nakalimutan ng driver ko na coding kami. Good job kay Sir MMDA, ‘di humingi ng kahit ano or nagparamdam ng lagay. Good job Sir,” sey pa ni Luis sa Instagram story niya.

Kung ibang tao lang ‘yan, baka ginamit na ang pagiging sikat na celebrity nila, o pagiging anak ng pulitiko, para matakasan ang problema sa batas trapiko. Marami na kaming naririnig na kuwento ng mga sikat na personalidad na kapag hinuli ng MMDA, idinadaan sa pakiusapan, o charm, para makawala sa ganu’ng aspeto.

Pero bongga nga si Luis, dahil sa halip na gamitin niya ang kanyang kasikatan, pangalan, o pagiging anak ng pulitiko (ni Cong. Vilma Santos), hinayaan lang niya ang MMDA na hulihin ang driver niya, o tiketan.

“Hindi ako nagpapakita kapag ganiyan,” sabi ni Luis nu’ng i-chat ko. (DONDON SERMINO)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?