1,409

Dec 7, 2017 @ 10:27
By

Luis Manzano, nanginig ang laman kay Jessy?

May dahilan naman pala talaga para magningning ang lovelife ni Lucky Manzano kay Jessy Mendiola na parang wala nang katapusan ang kilig sa kanilang dalawa.

Aba, napakasuwerte naman pala ng panganay na ito ni Lipa, Batangas Rep. Vilma Santos-Recto kay Jessy kung ang pagbabasehan ay ang latest sexy photo nito na pinoste mismo ng Kapamilya star sa kanyang Instagram na kuha sa bakasyon nito sa Boracay.

Marahil nanginig ang laman ni Luis sa paghanga sa alindog at kaseksihan ng kanyang girlfriend sa photo nito kung saan naka-semi side full body shot ito sa loob ng tinutuluyan nitong room sa Bora.

Super-sexy ang dating ni Jessy sa suot niyang two-piece bikini swimsuit habang nakatingin ito sa kamera at nasa akto na inaayos nito ang kanyang buhok na may malaking bulaklak na nakasabit sa kanyang tenga.

Napakaganda ng pagkakakurba ng katawan ni Jessy na animo’y nililok ng isang mahusay na sculpture.

Parang ang sarap hawakan ang mala-sutlang kutis ng aktres mula sa kanyang balikat pababa sa kanyang kurbadang balakang.

Hindi gaya nina Erich Gonzales, Miles Aubrey o Winwyn Marquez na may abs ang tiyan, si Jessy sapat na ang kaunting umbok sa kanyang tiyan at hugis ng malalim nitong pusod para mapangiti na may kasamang pagnanasa ang sinumang lalaking titingin sa larawang ito, lalo na si Luis.

Inosente ang facial expression ng mukha ni Jessy sa larawan na lalong nagpatingkad sa nakaka-wow niyang kaseksihan.

Kumbaga sa isang masarap na putahe, ang alindog at kaseksihan ni Jessy, hindi kailanman ‘mapapanis’ at hindi mapagsasawaan.

Kung papakawalan pa ni Luis ang alindog ni Jessy, para na itong nagtampo sa isang masarap na grasya at gandang maaaring hindi na makita pa ng kahit na sino.

Sumisigaw na nga ang mga followers ni Luis sa IG na pakasalan na niya si Jessy at huwag nang patagalin pa.

Kahit paano, nakanakaw ng atensyon at pansin ng netizens sa socmed si Jessy sa sexy photo niyang ito. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?