By

Luis Manzano nakipagtalakan dahil kay Jessy

Sharing is caring!

SUNOD-SUNOD ang tweet ni Luis Manzano tungkol sa hater or basher nila, lalo na ng girlfriend niya na si Jessy Mendiola kahapon ng umaga. Hindi pinalampas ni Luis ang consistent basher niya raw na nagpalit pa raw ng account pero alam niyang same lang din.

Blinock daw siya nito nang sabihin niyang ipo-post niya ang profile picture.

Patola si Luis sa basher kahapon ng umaga. Pero si Luis din naman ang tipo ng artista na kapag feel niya talaga at ramdam niyang dapat sampolan ang nangba-bash sa kanya, lalo na sa girlfriend na si Jessy ay talagang sinasagot niya.

Nakita pa namin ang mga post ng basher ni Luis, pero isang oras lang yata ay unavailable na ang tweets nito. Na sabi nga ni Luis, na-block na siya. ‘Yung profile ng basher niya ay mga bata pa na tila anak nito. Against kay Jessy ang basher niya.

“Mahiya ka sa status mo tungkol sa haters. Nahuli kitang basher sa IG, post ko na pic mo ha?
Game? Kahit sa mga anak mo na nanay ka na basher ka pa. Ang plastic ng status mo ha,” sabi ni Luis.

May nag-comment naman kay Luis na naparami na naman daw ang kinain nitong ‘ginisang patola’ kaya pumapatol umagang-umaga pa lang. Nireplayan naman niya ito nang, “Why? I’m having fun para tumatawa ako umaga pa lang.”

At sabi pa nga niya, “Bash the basher is ok or bully the bully.”

Tinanong din si Luis ng isang follower niya kung bakit daw ba may mga haters kahit wala namang ginagawa sa mga ito.

Sey niya, “Kase failure sila sa lahat ng aspeto ng buhay nila so naghahanap sila na pwedeng pag-initan at labasan ng frustrations nila sa kanilang sariling buhay.” (Rose Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?