159

By

Luis Manzano naki-Pasko sa bahay nina Jessy Mendiola

Itinuturing ni Jessy na miyembro na nang kanyang pamilya ang kasintahang si Luis Manzano kahit wala pang engagement na naganap o kasalan sa kanilang dalawa.

Nagposte si Jessy ng magkakasunod na larawan nila nang kanyang family na kuha sa bahay nila kasama si Luis.

@senorita_jessy, “Merry Christmas from our family to yours!”

Kasama sa ilang larawan si Luis sa family-photo opt na ito ng pamilya ni Jessy. Makikitang kinakausap ni Luis ang naka-putting blouse na babae habang nakatingin naman ang aktres sa ginagawa nang ina.

Isinama ni Jessy si Luis bilang kabilang na nang pamilya kahit hindi pa naman sila kasal, o wala pang engagement proposal ang Kapamilya actor sa kasintahan.

Bitbit rin naman at kasama sa Christmas gatherings ng ina niyang si Vilma Santos si Jessy., pati sa na get-together ng ama niyang si Edu at ng sarili nitong pamilya. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?