195

Oct 31, 2017 @ 13:40

Luis Manzano nakakakita ng mga nakakakilabot na imahe

By GLENN REGONDOLA

Tsikahang pang-Halloween muna tayo this time, noh! Naku, ibang klase naman pala itong si Luis Manzano.

Kasi naman, kung ang karamihan ng may mga third eye ay gustong ipasara ito, aba, kabaliktaran naman ang ginawa ng panganay ni Cong. Vilma Santos.

Noong medyo bata-bata pa raw pala siya, talagang ginusto raw niyang pabuksan ito dahil curious siya kung anu-ano nga ba ang nararanasan ng mga taong nakabukas ang pangatlong mata.

Sa isang magaling na paranormal psychic niya ito pinabuksan at talagang dumaan daw siya sa training upang maisakatuparan ang kanyang hiling. Nang mabuksan naman ito, dito na niya nga raw napagdaanan ang mga kakaibang paranormal experiences.

Kung anu-ano ang kanyang mga nakikita, nakakakilabot na mga image ang tumambad sa kanya, pero wala lang daw ito sa kanya. Ginusto raw niya ito, kaya pinanindigan niya.

In fact, sa horror documentary series noon ng isang show sa isang network, siya pala ang taong nasa likod ng kamera habang sinu-shoot ang ‘horrifying’ experiences na ‘yun ng ating mga celebrities.

Talaga raw itinago ang kanyang identity sa publiko dahil ayaw niyang katakutan rin siya ng ibang tao. Pero, habang tumatagal ay unti-unti na raw niya itong hindi nagagamit, kaya pakiramdam niya ay unti-unti na rin daw itong nagsasara.

Ngayon, wala na siyang gaanong nakikitang images, pero nakaramdam pa raw siya ng aura na hindi kasinlakas ng dati.

Jessy Mendiola bukas ang ikatlong mata

Ganu’n din naman daw pala si Jessy Mendiola, ayon sa kuwento ni Luis. Meron din itong third eye pero hindi kasingbukas ng sa kanya dati.

May mga nakikita rin daw ito ng mga taong naglalakad sa paligid na obviously ay mga multo, pero hindi ganu’n matatakutin si Jessy, so deadma na lang ito.

Wala pa naman daw silang sabay na experience ng mga ganu’ng klaseng nakakakilabot na karanansan, pero hangga’t maaari ay ayaw niyang pagdaaanan nila ito nang sabay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?