17

Sep 9, 2021 @ 13:53
By

Luis Manzano ‘lucky’ sa kanyang YouTube channel

Tumabo na sa mahigit isang milyon ang subscribers ni Luis Manzano sa kanyang YouTube channel.

Todo pasasalamat naman ang aktor at TV host sa kanyang mga taga-suporta.

“Maraming maraming salamat netizens na 1M subs na tayo!!! Sana napatawa at napasaya namin kayo sa LuckyTV,” saad sa IG post ni Luis ngayong Huwebes.

“Kaya tuloy tuloy lang ang subscribe at nood sa LuckyTV!!” dagdag pa niya.

“Congrats love!!!” comment naman ng kanyang asawa na si Jessy Mendiola, na may mahigit 700,000 subscribers naman sa YouTube.

Ang mga vlog ni Luis na humakot ng milyong views sa kanyang channel ay ang mga episode kasama si Jessy at ang kanyang nanay na si Rep. Vilma Santos-Recto. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?