87

Jun 22, 2022 @ 20:14
By

Luis Manzano hindi umubra kay Francine Diaz

Nakahanap ng katapat si Luis Manzano.

Sa bagets edition ng kanyang “Luis Listens” sa YouTube, nakapanayam niya si Francine Diaz

Hindi nagpahuli si Francine sa pagiging kuwela ni Luis at yakang-yaka ring makipagkulitan sa mister ni Jessy Mendiola kaya naman maraming netizen ang naaliw sa kanila.

Isa sa mga naitanong sa dalaga ang mga crush niya sa local at international.

Ani Francine, ang pinaka-crush niya raw noong hindi pa siya artista ay si DJ (Daniel Padilla).

Hiniritan naman siya ni Luis ng “Durano?” na kinahalakhak ni Francine.

“Hindi! Padilla!” sagot ni Francine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?