174

Dec 27, 2017 @ 13:37
By

Luis, lumagare sa Christmas gatherings

Best gifts ang description ni Luis Manzano sa Christmas gatherings niya sa sariling pamilya ng ina sa Recto side, sa pamilya ng ama na si Edu at sa family naman ng kasintahang si Jessy Mendiola.

Parehong pinuntahan ni Luis ang Christmas gatherings ng family niya (Cong. Vilma Santos, brother Ryan Christian, tita Emelyn at iba pa) at ang gettogether naman sa pamilya ni Jessy at sa Manzano family niya.

Biggest blessings para kay Luis ang pagkakataong ito na makasalumuha ang lahat ng mga taong importante sa kanyang buhay.

@luckymanzano, “One of the best gifts I received this Christmas is being able to take a step back and be thankful to be part of these families. So many good things may come my way but these people are the biggest blessings I can ever received. Merry Christmas from all our families!!”

May kuha si Luis kasama si Jessy at ang kanyang mommy. May photo opt din ito kasama ang buong pamilya niya sa Recto with Ate Vi, Ryan Christian at iba pang member ng Santos family. Wala nga lang sa photo si Sen. Ralph Recto.

Makikita naman na nasa isang sofa sina Luis, Jessy, ang ina nito, kapatid na babae at isang lalake.

Tila kuha sa bahay ni Edu ang photo opt nila ng kanyang buong pamilya with Luis at Jessy.

Sa huli ng photo posting gallery ni Luis may photo opt silang dalawa ni Jessy.

Umaasa ang mga fans ni Luis na si Jessy na sana ang huling babaeng ilalapit niya sa pamilya at makakasama sa tuwing meron silang Christmas gathering. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?