1,343

Nov 22, 2021 @ 22:20
By

Luis, Jessy naloka sa regalo ni Nikki

Tawang-tawa ang mag-asawang sina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa housewarming gift na ipinadala sa kanila ni Nikki Gil.

Sa Instagram, ipinakita nina Luis at Jessy ang pag-unbox nila sa “unique gift” ni Nikki.

Maganda ang pagkakabalot sa regalo kaya aakalaing sosyalin ang mga laman nito.

Idagdag pa ang mensahe na kalakip nito.

“Congratulations on your new home! May it be filled with love, laughter and music. Here’s a little housewarming present from our home to yours,” saad sa mensahe.

Nang buksan ay hindi napigilan ng mag-asawa na matawa sa laman ng kahon tulad ng katol, posporo, pain sa daga, kandila, tissue paper at tabo.

“Akala ko cake o pagkain ipapadala…. Naamoy ko na sikmura ko sa gutom kaka antay sa padala nya… nung dumating na… naglaway na ako… pag bukas ayan… yung kandila di ko alam if ilalagay ko sa labas ng bahay na may pagkain o gamitin ko pang tawas e,” caption ni Luis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?