624

By

Luis isinugod sa ospital

Sharing is caring!

Kaloka si Luis Manzano, kung hindi pa magkakasakit, hindi magpapahinga­, ha!

Sa showbiz, isa si Luis sa sobrang sipag, na hanggang kaya niyang gawin ang lahat ng trabaho, ginagawa niya.

May mga time nga na halos araw-araw siyang napapanood sa TV sa ABS-CBN dahil sa mga game show, talent show, at kung ano-ano pa, na pinagsasabay niyang gawin.

Sobrang faithful kasi ni Luis sa kasabihan na ‘Strike while the iron is hot’ kaya lahat yata ng plantsahin, labada na dumarating sa harap niya, tinatanggap niya.

Anyway, heto nga at biglang isinugod sa ospital si Luis, na ang alam ko ay kararating din lang mula sa bakasyon nila sa Europe ng dyowa niyang si Jessy Mendiola.

“Hindi masama magpahinga. Bronchitis got me,” simpleng caption ni Luis sa Instagram post niya na naka-dextrose ang kanyang kamay.

Hindi masama magpahinga 😔😔😔😔 bronchitis got me 🙁

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?