88

Dec 16, 2017 @ 14:10
By

Luis at Edu, nagpaka-‘cheesy’ sa IG

Hindi lang sa pag-ibig niya kay Jessy Mendiola ang topic sa social media ni Luis Manzano kundi maging sa kanyang immediate family.

Sa umpisa aakalain mo na ang posting ni Luis sa kanyang Instagram wall ng conversation ng isang tatay at ama ay joke lang pero totoo pala ‘yun.

Madalas kasing mag-post ng mga comedy situation at bloopers si Luis sa kanyang IG na isa ring inaabangan sa kanya ng mga followings niya.

Minsan naman ay ang cheesy moments nila ng kasintanan niyang si Jessy kapag may out-of-town sila o kaya ay solo pic lang ng aktres para ipahayag lang ang pagmamahal nito dito.

Nagposte si Luis ng palitan nila ng mensahe ng kanyang ama na nagpapakita kung gaano nila kamahal ang isa’t isa na kahit hindi lumaki ang TV host sa poder ni Edu Manzano, hindi kahit kailan napingasan ang pagkilala nito bilang daddy niya sa character actor.

Makikita sa IG wall ni Luis ang mga text conversation nila ni Edu na may profile name na DAD.

DAD: “Just want you to know that I love you very much!”

LUIS: “I love you daddyo! Where did that come from?”

DAD: “Just wanted to say it son. I don’t get to say it enough!!” That’s for sure. Just remember what I told you son!!! From the heart.

LUIS: “I love you!”

DAD: “I never tire of saying or hearing it. Take care son!”.

Pinuri ni Luis ang kanyang mga magulang na sina Edu at Congresswoman Vilma Santos sa pagmamahal na ibinibigay ng mga ito sa kanya.

@luckymanzano, “When I truly live up to my lucky nickname by having parents like them, Love you Momski and Daddyo.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?