135

By

Luis dumepensa sa ‘bitter comment’ sa engagement ni Angel

Dumepensa si Luis Manzano sa viral na interview niya tungkol sa engagement ng ex-girlfriend niyang si Angel Locsin na may pagka-“bitter” umano ayon sa mga netizen.

Sunod-sunod na tweet sinagot ni Luis ang sinabi ng isang netizen na: “Move-on na kya @luckymanzano nakakatanda lalo yang pagiging Bitter” kalakip ang viral video.

Ani Luis, “Ang sabi ko “wag na” (hindi niya) kami idamay sa kwento o love story nila 🙂 ang kwento nila ay sa kanila, ang amin ay amin 😉 kaya wag na kami idamay ng ibang fans or press sa love story ng ibang tao ;).”

Sinundan niya ito ng: “Or i may have said “wag niyo na” ng mabilis kaya ganun tunog but ayan malinaw na what i said and meant ha ;).”

Muli niya itong inulit: “Uulitin ko lang, one for the road, last na 😉 i meant “wag niyo na” baka mabilis pagkakasabi ko kaya ganun labas 😉 ang love story nila ay kanila 😉 di na kelangan ng opinyon namin :).”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?