323

By

Lugi si Patch! Mga netizen nainis sa Miss International interpreter

Marami ang nadismaya sa naging resulta ng Miss International 2019 matapos hindi makakuha ng place si Atty. Bea Patricia ‘Patch’ Magtanong sa nasabing beauty pageant na ginanap sa Japan.

Ito’y matapos kasing marinig ang speech ni Patch tungkol sa women empowerment, tingin ng madla na for sure ay sa kanya na ang korona na huli pang napagwagian noong 2016 ni Kylie Versoza.

Ito ang naging buong sagot ni Patch:

“When I was younger, I found it strange that I was subjected to different standards as other boys my age. When I got older and even more so when I became a lawyer, I began to question these standards and challenge them. Why should women live in fear of harassment, violence, and discrimination when basic human decency calls for respect, tolerance, and compassion? To cheer all women means to support all women regardless of their race, religion, or background. But not only this. It also means to remove the barriers that prevent women from realizing their full potential. Miss International does this by fostering a global culture of women empowerment and gender equality. And, through this platform, we can ensure that no woman anytime, anywhere, is left behind.”

Marami ang pumuri dito na swak na bilang winning answer sa international pageant, ngunit ang ending ay si Miss Thailand Sireethorn Leearamwat ang nakasungkit ng korona at walang place si Patch.

Ngunit hindi ito ininda ng Pinay, piniling isantabi na lang ito ay mag-move on.

“Pero I think hindi naman lang ang speech bang basehan ng Miss International s’yempre, overall, and siguro, hindi ako ‘yung hinahanap nila,” saad ng magandang dilag.

Ngunit iba naman ang mga netizen, hindi maka-move on sa interpreter ng beauty pageant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?