45
traffic
Feb 22, 2018 @ 17:34
By

Lugi sa Metro traffic, lumobo sa P3.5B kada araw – JICA

UMAABOT na sa P3.5 bilyon ang nawawala araw-araw dahil sa trapiko sa Metro Manila, ayon sa Japan International Cooperation Agency (JICA).

Sinabi ni JICA Philippines Chief Representative Susumo Ito na base ito sa updated Transport Roadmap Study for Mega Manila.

Aniya ang kabuuang resulta ng ginagawa nilang pag aaral ay tatapusin nila sa Abril ngunit sinabi ni Ito na pagpapakita na lalo pang sumisikip ang Mega at Metro Manila kayat ang nasasayang sa araw-araw na traffic ay tumataas din.

Ang halaga ay para sa nasasayang na oportunidad dahil sa sobrang traffic sa mga kalsada.

Sa katulad na pag-aaral noong 2014, ang halagang nasasayang dahil sa traffic sa Metro Manila ay P2.4 bilyon.

Bunga sinabi ni Ito na todo-suporta sila sa ‘Build, Build, Build’ infrastructure program ng administrasyong-Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?