83

May 27, 2020 @ 17:17
By

Lugi na sa COVID-19: Okada magsisibak ng mahigit 1,000 empleyado

Inanunsyo ng Okada Manila na magbabawas sila ng mga empleyado dahil sa pagkalugi sa COVID-19 crisis.

Ani Okada Manila president Takashi Oya sa isang memo, wala nang kinikita ang casino-resort mula nang ipatupad ang lockdown at kung hindi nila ito aaksyunan ay lalo silang malulubog sa pagkalugi.

“Okada Manila announces with deep regret that it will be reducing its workforce via a retrenchment program,” wika ni Oya.

“It is a reality that the company could not escape because of the new normal that lies ahead of us,” dagdag niya.

Mahirap man daw na desisyon ay nasa mahigit 1,000 na empleyado ang kanilang tatanggalin.

“For it to remain a viable business, it will have to let go of more than 1,000 employees. This extremely difficult decision is not a reflection of the work that its Team Members have done,” saad ni Oya.

Sa kabila nito, makakatanggap naman umano ang mga matatanggal na empleyado ng separation pay na naaayon sa batas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?