92

Mar 3, 2020 @ 20:55
By

Lugi na sa COVID-19! Mga hotel sa ‘Pinas magbabagsak-presyo

Pinaplano ng Philippine hotel industry na magtapyas ng singil para sa mga turistang Pinoy.

Ayon kay Philippine Hotel Owners Association (PHOA) representative Rafael Chico, nasa P22 bilyon na kasi ang nalulugi sa hotel industry dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Dahil daw iyon sa mga cancellation bunsod ng travel ban at lockdown ng mga airport at flight.

Kabilang daw sa magbabawas ng singil ang Okada Manila, kung saan inaasahan na nasa 40% ang ibibigay na promo rate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?