621

Feb 28, 2020 @ 17:59
By

Lugi dahil sa COVID-19! 300 empleyado sinibak ng PAL

Nasa 300 empleyado ang tinanggal ng Philippine Airlines (PAL) matapos umanong bumaba ang kita ng kompanya dahil sa novel coronavirus (COVID-19) outbreak.

Ayon sa airline company nitong Biyernes, piling administrative at management personnel ang naalis para madagdagan ang kita nila at mabawasan ang gastusin.

Epektibo Pebrero 28 ang termination ng kanilang 300 na empleyado.

“Philippine Airlines is pursuing business restructuring to increase revenues and reduced costs. The streamlining will strengthen the company in the wake of losses sustained in 2019, aggravated by the ongoing travel restrictions and flight suspensions to areas affected by COVID-19,” sabi sa pahayag ng PAL.

Sa ilalim umano ng programa, nag-implementa ang PAL ng voluntary separation sa matatagal na nilang empleyado at retrenchment na nagresulta sa pagkatanggal sa may 300 nilang empleyado.

Makakatanggap umano ang mga ito ng separation benefit, trip pass privilege at tulong sa pamamagitan ng career counseling at outplacement support.

Magugunitang ilang eroplano ng PAL ang ginamit para sa repatriation ng mga Pilipino mula sa Wuhan, China, na malubhang tinamaan ng virus.

Ang PAL ay pag-aari ng tycoon na si Lucio Tan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?