18

Jan 13, 2022 @ 12:11
By

Lugar na naka-granular lockdown nasa 206 na — PNP

Umabot na sa 206 ang mga lugar na isinailalim sa granular lockdown, ayon sa Philippine National Police nitong Huwebes.

Mula sa 170, itinaas ang bilang ng nga lugar na naka-granular lockdown dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Batay sa datos ng PNP, 103 lugar na nasa ilalim ng granular lockdown ay mula sa National Capital Region, 57 sa Cagayan, 32 sa Calabarzon, lima sa Mimaropa, at isa naman sa Cordillera.

Samantala, upang matiyak ang pagsunod sa minimum health standards ng mga residente, nagpakalat ang PNP ng 291 pulisya at 326 force multipliers sa mga naka-lock down na lugar.
(Sherrylou Nemis)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?