9
views

By ,

Luetcheu, Haruna doble tikas para sa CSB Blazers

Sharing is caring!

NASIKWAT na ng College of Saint Benilde Blazers ang semifinal spot sa Chooks-to-Go 12th FilOil Flying V Preseason Cup nang kalusin ang University of the Philippines Fighting Maroons, 76-74, Huwebes sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Lamang ng tatlong puntos ang UP sa huling isa’t kalahating minuto ng laban pero nakuha pa rin ng Blazers ang panalo dahil sa magandang laro na pinakita nito.

“The boys really played the game plan. There were some immature mistakes we had, but in the end, we pulled off the win,” ani Blazers head coach TY Tang.

Puhunan ng Blazers ang matibay at mahusay nilang depensa kaya’t nahirapan nang husto ang Fighting Maroons na makabalik at tuluyan nang tinuldukan ng CSB ang laro.

“From day one we started, it’s all about defense. That’s the biggest part of it. That identity held the way through till the end,” ani Tang.

Nanguna para sa Blazers si Clement Leutcheu na nagbigay ng 16 na puntos at pitong rebounds habang si Yankie Haruna naman ay may 15 puntos, apat na boards at apat na steals.

Sa panig naman ng UP, si Bright Akhuetie ang nanguna bitbit ang 22 puntos kasama ang siyam na rebounds.

Makakaharap ng Blazers ang San Beda Red Lions na inalpasan ang matinik na Adamson University, 64-62. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?