181
Ludovice Bataan Risers Basketball MPBL
Jan 29, 2019 @ 18:48

Ludovice, David nagtulong para sa Bataan

Napatatag ng Bataan Risers ang kapit nito sa first spot sa Northern Division ng Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup nang maisahan nito ang Laguna Krah Heroes 77-70 Lunes ng gabi sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Limang players mula Bataan ang tumapos ng double figures sa pangunguna ni Yvan Ludovice na may 16 na puntos at anim na assists, ito ang ikalawang laro ni Ludovice sa tropa mula nang na-trade galing Pasay.

Bumakas din sa tropa si Gary David ng 11 puntos habang may tig-10 puntos naman na ambag sina Pamboy Raymundo, Richard Escoto at Gab Dagangon para i-rehistro ng tropa ang 18-2 na baraha.

Naging maganda man ang resulta ng huling laro ng tropa, iniisip pa rin ni Bataan coach Jojo Lastimosa ang kalusugan ng kanyang tropa, na nabawasan dahil sa pagkawala nina Byron Villarias at Vince Tolentino.

“My main concern right now is the health of my team and the motivation. I want to keep the spirits up and keep them motivated. We just have to take care of ourselves and not worry so much about our next opponents,” wika ni Lastimosa.

“Vince sprained his foot two days ago, so I don’t think he could play, but I said to him to give what he can give me tonight. Even Toto (Villarias) came from a back injury.”

Samantala, ito naman ang back-to-back losses ng Laguna na ngayon ay dulas sa 11 pwesto hawak ang 9-13 na baraha. (Fergus E. Josue, Jr.)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?