109

Jun 11, 2019 @ 15:59
By ,

Ludovice, Albo, Balagtas, Saldua bagong sandata ng Davao Tigers

Sa pagsisimula ng third season ng Maharlika Pilipinas Basketball League, agad na maghaharap ang last season first-placer Davao Occidental at Zamboanga.

Bandang alas-8 ng gabi ang laban ng dalawang tropa matapos ang upakan sa pagitan ng bagong salta na Bicol at retooled na Basilan.

Ipapamalas ng Cocolife-backed na Tigers ang kanilang angas at kagustuhan makabalik matapos ang kabiguan nitong masungkit ang kampeonato sa Datu Cup kontra sa San Juan Knights at ipaparada nito ang bagong acquisition na sina Yvan Ludovice, Richard Albo, Marco Balagtas at Chester Saldua.

Habang ang Family’s Brand Sardines backed na Zamboanga ay muling kakapitan ang core nito sa pangunguna nina Harold Arboleda, Robin Roño at Reed Juntilla.

Ibabandera naman ng isa sa mga expansion team na Bicol sina dating professional player Ronjay Buenafe at Alex Nuyles habang ang Basilan naman ay sumailalim sa retooling sa pagkuha sa ilang key players sa liga.

Hide quoted text

Ibibigay nina Jay Collado, Hessed Gabo, Bobby Balucanag, Jett Vidal, Shaq Aalanes at Michole Sorela ang kanilang serbisyo sa tropa habang aantayin din ng mga ito na sumama ang ilang collegiate aces na sina Allyn Bulanadi ng San Sebastian at Philip Manala ng University of the East.

May 31 koponan ngayon ang maglalaban-laban para sa titulo ng Lakandula Cup.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?