145

Jul 21, 2021 @ 21:38
By

Lucy Torres pasok sa senatorial slate ng Lacson-Sotto tandem

Kinumpirma ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na tatakbo sa pagka-senadora sa 2022 elections si Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez.

Makakasama aniya ang congresswoman sa senatorial slate ng tambalan nila ni Senador Panfilo “Ping” Lacson.

Bago nito ay nilantad na ni Sotto ang magiging senatorial line-up nila ni Lacson.

Ito’y matapos niyang kumpirmahin na tatakbo siyang bise presidente habang presidente si Lacson sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition.

Kabilang sa mga senatoriable ng Lacson-Sotto tandem sina Senador Sherwin Gatchalian, Deputy Speaker Loren Legarda, Sorsogon Gov. Francis Escudero at dating senador JV Ejercito.

Magiging parte rin ng line-up sina Senate Majority Leader Miguel Zubiri, Senador Richard Gordon at Senador Joel Villanueva.

Dagdag din si Department of Information and Communications Technology Sec. Gringo Honasan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?