148

Jun 10, 2021 @ 15:42
By

Lucy Torres may hiling kay Duterte

Hiniling ni Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez kay Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahan ang panukala na magtatayo ng Department of Disaster Resilience (DDR) para maisabatas ito bago magtapos ang kanyang termino sa susunod na taon.

Umapela rin si Torres-Gomez sa Senado na mabilis na aksyunan ang panukala na ipinasa ng Kamara de Representantes noong Setyembre 2020.

“In 2020, we experienced how disaster incidences ran their own course regardless of the pandemic. The total damages, just from the string of typhoons in the fourth quarter of last year, reached about P40 billion. We need to raise our game in disaster management and build national resilience by establishing a full-fledged department,” sabi ni Torres-Gomez, chairperson ng House Committee on Disaster Resilience.

Ipinunto ni Torres-Gomez na ang DDR ang titiyak na magiging mabilis at maayos ang koordinasyon ng mga ahensya ng gobyerno sa pagbuo ng sistema upang malimitahan ang epekto ng mga kalamidad.

“The DDR has been in the list of priority measures for the past two SONAs. Having the DDR in place ensures that whatever economic gains we achieve would not be at risk of slipping back just because of disaster events, especially as we re-establish our economy post-COVID,” dagdag pa ng lady solon.

Ngayong pumasok na ang tag-ulan, sinabi ni Torres-Gomez na marami nanamang pamilya na nakatira sa mga disaster-prone areas ang mangangamba sa tuwing mayroong bagyo o malakas na ulan.

“Let us all act fast to finish legislative deliberations on the proposal so President Duterte can sign it into law before his term ends,” pagsusumamo ni Torres-Gomez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?