282

Oct 20, 2021 @ 19:47

Lucy elibs kay Lacson

“Matatag na liderato at solidong pundasyon ng moralidad.”

Ito ang naging deskripsiyon ni Ormoc City Rep. Lucy Torres-Gomez kay Partido Reporma chairman at standard bearer Panfilo Lacson.

Ang positibong impresyon kay Lacson ay inihayag ni Gomez sa isang pagtitipon ng mga trainer sa nabanggit na lungsod na kinapapalooban ng 85 na kalahok — 52 project officers at 33 na mga barangay healthcare workers — na pawang mula sa Ormoc City at ilang bayan sa kanlurang bahagi ng lalawigan ng Leyte.

Ang nabanggit na pagtitipon ay dinaluhan din ni Partido Reporma secretary-general at Davao del Norte Gov. Edwin Jubahib.

Ipinunto rin ni Gomez na si Lacson ay kabilang sa iilang mambabatas na hindi nasangkot sa korapsiyon at malinis ang record sa larangan ng serbisyo publiko dahil na rin sa patuloy niyang hindi pagtanggap ng pork barrel.

Kaya paalala ni Gomez sa mga botante, maging matalino sa pagpili ng mga iboboto sa 2022 elections at piliin iyong may mga klarong solusyon sa mga problema at kakayahang mamuno sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?