85
lucio-tan
Jan 8, 2018 @ 20:02
By

Lucio Tan wala nang atraso sa gobyerno – DOF

Hindi masabi ng mga opisyal ng Department of Finance kung mayroon pang buwis na hinahabol ang gobyerno laban sa negosyanteng si Lucio Tan.

Sinabi kahapon ni Finance Undersecretary Antoinette Tiongco na batay sa record ng Bureau of Internal Revenue (BIR), walang findings na mayroon pang atraso si Tan sa pamahalaan.

Makikita naman aniya sa mga dokumento kung sino-sino ang mga negosyanteng hinahabol ng gobyerno dahil sa hindi pagbabayad ng buwis.

“Based on the records of the BIR, there is no final finding on any assessment for Lucio Tan. Maaring mayroon siyang mga regular audits na kino-conduct ng BIR, but that’s about it,’ ani Tiongco.

Matatandaang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabi noon na mayroon pang P30 bilyong hindi nabayarang buwis sa gobyerno si Tan.

Bago matapos ang 2017 ay nagbayad ni Tan ng mahigit anim na bilyong piso sa gobyerno para sa ilang taong hindi pagbabayad sa terminal fees ng kanyang mga eroplano sa Ninoy Aquino International Airport.

Tumanggi namang ibunyag ni Finance Secretary Carlos Dominguez III kung sino ang Top 3 tax evaders sa bansa na hinahabol ngayon ng gobyerno.

Sa halip, ipinagmalaki ng opisyal na nahuli na nila ang pinakamalaking tax evader na nagmulta ng P30 billion sa pamahalaan.

“Right now, we have not caught all the tax evaders, but we caught the biggest one, okay. We caught the tax evader who was penalized 30 billion pesos, and that was Mighty Cigarettes – and Mighty is no longer in the business. Their business was taken over by somebody, by another company and no jobs were lost but the government collected 30 billion pesos—no, actually 29.5 billion pesos and another half a billion pesos coming in April,” ani Dominguez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?