25

Feb 19, 2020 @ 18:03

Lucio Tan, uupo na bilang presidente ng PAL Holdings

Si Lucio Tan na ang uupo bilang presidente ng PAL Holdings Inc. na nabakante nang mamatay ang kanyang anak na si Lucio “Bong” Tan Jr. noong nakaraang taon.

Ang pagkakapili kay Lucio Tan bilang presidente ng PAL Holdings ay kasabay ng kanyang pagiging chairman nito.

Inaprubahan ito ng board of directors noong Pebrero 18.

Kasama rin sa inaprubahan ang pagdadagdag ng dalawang director sa board na magiging 11 na mula sa siyam.

Inaprubahan din ang pagdadagdag ng kapital ng kompanya kung saan ang authorized capital stock ay gagawin nang P30 bilyon mula sa P13 bilyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?