119
lucas-matthyse

Lucas Matthysse, nag-alok ng tattoo kay Pacquiao

Sharing is caring!

Nag-offer umano si WBA welterweight champion Lucas Matthysse ng Argentina na lagyan ng tattoo si Manny Pacquiao.

Ito umano ay para ipamukha ang pagiging talentado niyang artist.

Siya rin umano ang naglalagay ng tattoo sa kanyang sarili at sa Argentine fighters gaya nina Marcos Maidana at Juan Carlos Reveco.

Ginawa ni Matthysse ang alok sa break ng TV special na Boxing One-On-One sa Sucat.

Gamit umano niya ay maliit na machine para paandarin ang pen sa paggawa ng tattoo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?