yeng-guiao4
By

Lubak sa NLEX papatagin ni Guiao

Sharing is caring!

Nakaamba na ang daliri ni coach Yeng Guiao, parang gusto nang pindutin ang panic button.
Sa tatlong salang sa PBA Commissioner’s Cup, wala pang naipapanalo ang NLEX ni Guiao.
Nasobrahan yata ng hangover mula sa ratsada sa nakaraang Philippine Cup nang makarating ang Road Warriors hanggang semifinals bago yumuko sa Magnolia.
“We’ve been struggling so far, but it’s very early,” palubag-loob na pahayag ni Guiao matapos huling sumadsad 106-90 sa Meralco Bolts noong May 4.

Pagkatapos ng isang linggo, dadayo ng Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna ang Road Warriors para harapin ang Phoenix (2-1). Nasilat ng Fuel Masters ang Hotshots 89-87 noong Linggo sa MOA Arena.

Pagkatapos ng laro sa nightcap, isa sa Ginebra (0-2) at Blackwater (0-4) na ang sasampa sa win-column.

Aminado si Guiao na kung wala pang mangyayari sa mga susunod na laro ay mahihirapan na silang makaangat sa midseason tournament.

“To be in a hole like 0-3, emergency situation na ‘to kumbaga,” dagdag ni Guiao. “If we don’t pick it up in the next few games, I guess we will be looking forward to the next conference.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?