136

Dec 29, 2017 @ 9:04
By

LTO, LTFRB, pag-isahin na lang – Alvarez

Isinulong na ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang pagsasanib bilang isang ahensya ng Land Transportation Office (LTO) at ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB).

Inihain ni Alvarez ang House Bill No. 6776 o ang “Land Transport Act of 2017” na naglalayong lumikha ng Land Transportation Authority.

Ito’y para mawala na umano ang kalituhan sa kung alin sa dalawang ahensya ang nakatoka sa land transportation laws.

Sa kasalukuyan, parehong nagpapatupad ng batas ang LTO at LTFRB pero ang LTFRB lang ang nagbibigay ng prangkisa sa public utility vehicles (PUVs).

Sa ilalim ng panukala, magkakaroon ng chairman ang Land Transportation Authority na merong 4 na board members at mananatiling nasa ilalim ng Department of Transportation (DOTr).

Gayundin, sa Kongreso na kukuha ng prangkisa ang lahat ng PUVs bago makapag-operate, maging ang accreditation ng transportation network companies. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?