25

Jun 28, 2021 @ 15:41
By

LTO humirit ng P2.5B para makagawa ng 18M plaka

Nasa P25 bilyon ang kailangan para makagawa ng 18 milyong plaka ng motorsiklo, ayon sa Land Transportation Office (LTO).

“Ang kailangang i-produce ay 18 million. Kailangan ng P2.5 billion para matugunan ito. Hopefully, maibigay,” wika ni LTO Asec. Edgar Galvante sa virtual briefing nitong Lunes.

Batay kay Galvante, walang sapat na kagamitan ang planta nilang gumagawa ng mga plaka para maabot ang target na June 2022.

Dagdag niya, target nilang kumuha ng iba pang manufacturer para mapabilis ang paggawa ng mga plaka ng motorsiklo, kung saan 10 milyong plaka ang kokontratahin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?