114
tarlac

LTO exec sa Tarlac huli sa shabu, mga bala, granada

Sharing is caring!

Nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pakikipagkoordinasyon ng Tarlac PNP ang siyam na sachets ng shabu, mga bala ng baril at granada sa tahanan ng hepe ng Land Transportaion Office (LTO) sa Tarlac City, nitong Miyerkoles.

Batay sa report ng PDEA, ang suspek na si Rodel Yambao, 59-anyos, officer-in-charge ng LTO sa lalawigan ng Tarlac, ay matagal nang ‘under surveillance’ at ito ay kabilang sa listahan ng ‘high-value target’ ng PNP.

Ayon naman sa Tarlac PNP, ang isinagawa nilang ‘search and seizure’ kasama ang mga ahente ng PDEA, sa tahanan ni Yambao sa Barangay Village San Roque ay legal at dokumentado na inisyu ng korte.

Ang pagsalakay ay isinakatuparan sa tulong ng misis ni Yambao, dalawang konsehal sa barangay, kinatawan mula sa media at Department of Justice.

Si Yambao na nahaharap sa samu’t saring kaso ay kasalukuyang nakapiit ngayon sa Tarlac police jail. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?