95

By

LTO Central Office, nilooban

Ninakawan ng umano’y tatlong hindi pa nakikilalang kawatan ang tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) Central Office na matatagpuan sa East Avenue, Diliman, Quezon City kanina.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, kaninang umaga (Agosto 27) ay nadiskubre ng mga empleyado ang naganap na panloloob sa Law Enforcement Traffic Adjudication Service ng LTO.

Ayon kay Law Enforcement Director and LTO Spokesperson Francis Almora, hinalungkat ng mga kawatan ang drawers sa tatlong tanggapan ng Law Enforcement Service, gaya ng Data Control Unit, Custodial Unit at Investigation Section of the Intelligence and Investigation Division.

Gayunman, wala naman umanong nawawalang mga importanteng dokumento sa naganap na nakawan at hinihinalang sa pinaglalagyan ng air-condition unit dumaan ang mga kawatan nang makitang butas na ito.

“Initial assessment shows that there are no government property (sic) missing. The files are not touched except the drawers of the tables of employees. The offices are not involved in plate making or drivers license. Only personal belongings can be lost. All sensitive documents are secured,” paglilinaw ni Almora sa panayam.

Nabatid na tatlong construction workers sa ‘under construction’ na gusali malapit sa LTO ang inimbitahan pero hindi pa umano itinuturing ang mga itong suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?