43

May 11, 2020 @ 15:20
By

LTFRB: Walang taas-pasahe pagkatapos ng ECQ

Siniguro ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na walang magiging dagdag pasahe sa lahat ng pampublikong sasakyan sakaling alisin na ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at iba pang lugar.

Paliwanag ni LTFRB chairman Martin Delgra, ayaw nilang dagdagan pa ang pasanin ng mga mananakay kaya nagdesisyon sila, sa konsultasyon sa Department of Transportation, na hindi magtaas ng pasahe.

Inaasahang tatanggalin ang ECQ sa Metro Manila matapos ang Mayo 15 at ililipat ang ilang lugar sa general community quarantine (GCQ).

Sa GCQ pinapayagan ang mass public transport pero may mga restriction gaya ng social distancing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?