86

Dec 19, 2017 @ 11:21
By

LTFRB ningas-kugon sa kampanya vs isnaberong taxi drivers

Kinastigo ng ilang taxi commuters ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil hind umano seryoso ang mga ito sa kanilang kampanya laban sa mga isnabero at namimiling mg taxi drivers.

Sa panayam ng ABANTE Online kay Christine Joy Reyes, 34, isang call center agent, matagal na umanong inilunsad ang nasabing kampanya ng LTFRB subalit nagiging aktibo lang tuwing holiday season.

“Matagal na yang Oplan Isnabero nila pero ngayon lang sila kumilos. Ningas kugon sila, obviously,” sabi ni Reyes.

“Well, malamang nagpapakitang-gilas lang sila para masabing may ginagawa sila against these erring taxi drivers,” dagdag pa nito.

Para naman kay Ricardo Palma, 57, negosyante, hanggat hindi seryoso ang LTFRB sa kanilang kampanya, hindi mawawala ang mga abusadong mga taxi drivers.

“Hindi sila seryoso sa campaign na yan. If they are serious to rid these abusive taxi drivers, taasan nila ng multa, sampolan nila,” ani Palma.

“Wala yang campaign nila, pang-December lang yan, next month wala na yan,” ayon pa kay Palma. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?