18
ABANTE ltfrb one stop shop puv

LTFRB, nagbukas ng one-stop shop para sa PUVs

Sharing is caring!

Nagbukas ng isang one-stop shop ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung saan pwedeng sumangguni ang mga driver at driver ng pampublikong sasakyan hinggil sa kanilang mga kaso at hinaing.

Ayon kay LTFRB spokesperson Atty. Aileen Lizada, magkakasamang nagtutungo sa kanilang tanggapan ang mga tsuper at operator na hindi agad natutugunan kaya nagrereklamo ang iba, bilang solusyon nagtakda ng mga petsa ang ahensiya kung kailan maaaring magtungo ang mga ito para tiyak na sila ay maaasikaso.

Pwedeng magtungo sa one-stop shop ang mga tsuper at operators ng public utility bus (PUB) mula Enero 15-19; Enero 22-26 naman sa taxi; Enero 29 hanggang Pebrero 2 sa mga jeep; Pebrero 5-6 sa UV Express at mga truck for hire; Pebrero 12-16 sa school bus at mga tourist transport services at Pebrero 19 hanggang Marso 2 para sa ride-hailing services.

Sakop ng serbisyo ng one-stop shop ang mga kaso at katanungan umano hinggil sa pag-upgrade ng pampasada, permit at iba pang kailangan ng mga operator at driver ng mga pampublikong sasakyan.

Pinayuhan naman ng LTFRB ang mga magtutungo sa ahensiya na tiyaking dalhin ang kanilang mga case folder at case number bago magtungo sa one-stop shop.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?