52

By

LTFRB nag-alok ng sakay para sa mga gustong manood ng SEA Games

Magandang balita para sa mga nais na manood ng 2019 Southeast Asian Games (SEAG).

Dahil sa inaasahang magkakaroon ng mabigat na daloy ng trapiko sa pagsasara ng mga daraanan sa pagsisimula ng SEAG, nag-alok ang pamunuan ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ng ‘point-to-point’ (P2P) bus services upang sunduin ang mga nais na manood sa Philippine Arena sa November 30, 2019.

Ayon sa LTFRB, may dalawang ‘pickup locations’ sa Metro Manila at ito ay mula sa Trinoma sa norte at Parañaque Integrated Terminal Exchange sa south.

Wala namang ipinalabas na specific schedule sa biyahe subalit batay sa anunsiyo ng ahensiya ang ‘first trip’ patungong venue ay bibiyahe ng bandang alas-2:00 ng hapon.

Pero nais ipaalam ng LTFRB na hindi ito libre dahil ang mga pasahero galing ng north ay pagbabayarin ng P100 habang ang galing naman ng south ay sisingilin ng P150.

Kaya ngayon pa lamang ay tumatanggap na umano ang LTFRB ng aplikasyon para sa special permits ng P2P buses na magdadala sa mga partisipante sa nalalapit na pagbubukas ng SEAG.

Sa unang ipinalabas ng LTFRB, ang application ay bukas para sa lahat ng units para sa rutang drop off points sa iba’t ibang SEA Games sporting venues.

Upang maging kuwalipikado para sa special permit, kailangang mag-submit ang bus operator ng mga kinakailangang requirements kabilang ang huling registration (OR & CR) at updated personal passenger route.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?