By

LTFRB lang ang puwedeng magtakda ng pasahe ng TNVS, ‘di TNCs – DOTr

Sharing is caring!

Wala umanong kinalaman ang usapin ng pasahe sa Transport Network Vehicle Service (TNVS) ang Department Order ng Department of Transportation (DOTr) na nagbibigay ng buong kapangyarihan sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na i-regulate at pangasiwaan ang ride-hailing companies gaya ng Grab.

Binigyang-diin ito ni PBA partylist Rep. Jericho Nograles matapos sabihin ni Grab Philippines head Brian Cu na ang bagong kautusan ng DOTr ay magpapalakas sa posisyon ng Grab na ligal ang pasaheng may P2-per minute charge.

Ayon kay Nograles, malinaw sa batas na hindi maaaring magtakda ng sariling pasahe ang Transport Network Companies (TNCs) gaya ng ibang land transport systems.

Kailangan aniyang humingi ng permiso ng TNCs mula sa LTFRB bago sila mag-alok ng anumang serbisyo o magtakda ng anumang pasahe, minimum charges, ruta at iba pa.

Sabi ng kongresista, iniatas ng Kongreso sa LTFRB ang pagbibigay ng prangkisa at pagtatakda ng pasahe simula noong 1987 kaya naman ang lahat ng pasahe sa land transportation ay eksklusibo sa LTFRB.

“It is very clear that TNCs cannot set their own fares like all other land transport systems. TNCs must have authority from the LTFRB before they offer any services or set any fares, minimum charges, routes, etc. I hope that this is clear to all TNCs that the law should be followed,” ani Nograles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?