LTFRB kokonsulta sa NEDA sa pagdedesisyon sa fare hike

Sharing is caring!

Kokonsulta muna ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa National Economic Development Authority (NEDA) sa gagawin nitong pagdinig sa fare hike petitions ng ilang grupo ng transportasyon dahil umano sa paggalaw ng produktong petrolyo sa pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Ayon LTFRB spokesperson Atty. Aileen Lizada, mahalagang mahimay ang hinihinging taas-pasahe ng mga transport groups at makakatulong ang NEDA para madetermina kung ano ang tamang pagtaas ng pasahe na dapat ipatupad.

Kabilang sa mga humingi ng taas-pasahe ang Grab Philippines, taxi operators na Philippine National Taxi Operators Association at jeepney group na PasangMasda.

Pinag-iisipan na rin umano na magsumite ng petisyon para sa dagdag-pasahe ang ilang city bus operators.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?