27

By

LTFRB Chairman Delgra inireklamo ng graft

Sharing is caring!

Nagsampa ng reklamong katiwalian ang isang transport group nitong Martes laban kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra.

Ang hakbang ng grupo ay dahil umano sa pagiging bias ng opisyal sa pagbibigay ng prangkisa sa public utility vehicles (PUVs).

Sa kanyang reklamo sa Ombudsman, sinabi ni Efren De Luna, ng Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO), sa resolusyon umano ng LTFRB, kinilala lang ang ilang ruta at franchise applicants na labag umano sa batas.

Aniya, wala umanong karapatan ang board na magsabi kung kanino lang ibibigay ang prangkisa.

Sa LTFRB Board Resolution No. 045 na pinirmahan umano nina Delgra at board member Ronaldo Corpus, ilang ruta gaya ng Panglao Airport hanggang Tagbilaran City at Panglao Loop ay bukas pa sa mga aplikante samantalang sinabihan sila noon na sarado na ito nang mag-apply sila.

Bunga nito, hiniling ni De Luna sa Ombudsman na iutos ang preventive suspension nina Delgra at Corpus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?