8
arcade-city-vismin

LTFRB binalaan ang ‘Arcade City’ sa paglunsad ng mobile app

Sharing is caring!

Iginiit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mayroon silang “cease and desist” order laban sa ride-hailing firm na “Arcade City”.

Nitong Biyernes, binalaan nito ang kumpanya hinggil sa paglulunsad nito ng mobile app sa susunod na linggo.

Layon umano ng kumpanya na punan ang maiiwan ng ride-hailing app na Uber.

Ayon sa abogadang si Aileen Lizada, board member ng LTFRB, walang anumang dokumento o nakabinbing aplikasyon sa kanila ang Arcade City, na maaaring maglagay sa mga pasahero sa kapahamakan.

Papatawan umano ang mga tsuper ng Arcade City ng multang P120,000 sakaling mahuli na bumibiyahe habang ii-impound ang kanilang mga sasakyan ng tatlong buwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?